Isang matandang bulag, naglalako pa rin ng kaniyang panindang walis nang mag-isa upang mapagawa ang kaniyang sirang barung-barong!





Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang hirap ang buhay ngayon. Talaga namang damang-dama natin ang bawat pagtaas ng mga pangunahing bilihin.



Sa kabila nito ay hindi pa rin tumataas ang ating mga arawan o buwanang sweldo. Nakakalungkot man ngunit ito ang madalas na maranasan nating mga Pilipino.

Kamakailan lamang ay kumurot sa puso ng marami sa atin ang kwento ng isang matandang lalaki na ito na nagtitinda pa rin ng walis tambo sa kabila ng kaniyang kapansanan. Siya ay nakilala bilang si Tatay Jimmy na mula sa Tiwi, Albay.






Sinong mag-aakala na sa kabila ng kaniyang kapansanan ay magagawa pa niyang maglakad sa ilalim ng matinding sikat ng araw para lamang maglako ng kaniyang mga paninda. Ang kaniyang mga walis ay nagkakahalaga ng 110 hanggang 120 piso lamang.



Mayroon siyang tubong 10 hanggang 12 piso bawat walis na kaniyang maibebenta. Maliit lamang ang kita ng matanda ngunit hindi ito naging dahilan upang panghinaan siya ng loob at tuluyang sumuko sa buhay.

Sa ngayon ay nakikitira din muna siya sa kaniyang mga kamag-anak dahil sa nasira ng bagyo ang kaniyang barung-barong. Delikado man ang kalagayan ngayon ng matanda ay talagang mapapansin mo sa kaniya kung gaano siya kasipag at kapositibo sa buhay.

Ito ang dahilan kung kaya naman hindi na nagdalawang-isip pa ang vlogger na si Virgelyncares na tulungan ang masipag na matanda. Binigyan niya ng pera si Tatay Jimmy upang matupad na ang kaniyang pangarap na pagpapagawa ng kaniyang barung-barong.

Gayundin naman ay nilubos-lubos na niya at nagbigay na rin siya ng kaunting pangkabuhayan upang hindi na kailanganin pang lumabas at maglako ni Tatay Jimmy ng kaniyang mga paninda. Tunay nga na ang lahat ng pagpapagal at pagsasakripisyo natin sa buhay ay mayroon ding patutunguhan.

Palaging magkakaroon ng kasagutan ang Diyos sa ating mga panalangin. At tiyak na gagamit siya ng mga tao upang maisakatuparan ang mga pangarap at dalangin mong ito.

Tulad na lamang ng nangyaring ito kay Tatay Jimmy.





Post a Comment

0 Comments