Isang nars, sa wakas ay nakapasa na sa kaniyang board exam pagkatapos ng 7 takes!





Bata pa lamang tayo, madalas na nating naririnig ang mga katagang “Ano ang gusto mo sa paglaki mo?” o “Ano ang pangarap mo paglaki mo?” Iba-iba man tayo ng kasagutan sa tanong na ito, wala namang tayong ibang gusto kundi ang matupad ang mga plano at pangarap natin na ito.



Sa paglipas ng panahon ay marami na rin sa atin ang mayroon nang bagong mga pangarap habang ang iba naman ay nagpatuloy pa ring abutin ang kanilang pangarap. Isa na marahil sa kanila ang nars na si Ma. Ernida Peralta.

Hulyo ngayong taon lamang siya pumasa sa nursing board exam. Ayon sa ilang mga nauna nang artikulo ay walong taon na siyang sumusubok na pumasa sa naturang board exam ngunit talagang hindi siya pinapalad.



Kahit na hindi pa siya nakakapasa ay sinubukan na niyang magtrabaho. Nang magpandemya ay talagang nahirapan siya at pinanghinaan na ng loob.
Marami kasi talagang kailangang requirements kung kaya naman sinikap niyang maipasa ang lahat ng ito kasama na ang RTPCR test. Kailangan ay negatibo ang resulta nito.




“May pag-asa nako!! Kaso RTPCR requirement ni PRC. Ang alam ko madaming di nakapag-exam dahil dun. Salamat Lord negative at nakapagexam po ako.” Pahayag ni Erlinda sa kaniyang post.



Nitong ika-16 nang Hulyo nang lumabas ang resulta ng kanilang board examination. Nakuhanan mismo ng video ang kaniyang naging reaksyon nang makita ang resulta. Titig na titig siya sa kaniyang laptop at talagang hinanap ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga taong nakapasa.

Nang mahanap na niya ang kaniyang pangalan ay talagang nagtatalon at sumigaw siya sa sobrang kaligayahan dahil sa wakas ay nakamit na niya ang matagal niyang dinadalangin.

“Napatunayan ko pong may nakalaang tamang panahon sa bawat ninanais natin. Huwag mawalan ng pag-asa! God knows you and your heart’s desire. Tiwala lang at samahan ng pagsisikap, siyempre.”





Post a Comment

0 Comments